17/03/2024
Hanggang kelan ka mag aabroad?
Nauubos po ang oras natin, lalo na ang pinaka importanteng oras na kasama ang pamilya.
Higit sa lahat ang pag-gabay sa ating mag anak na lumalaking hindi ka kasama.
Pero naiisip ,ko pwede naman na kasama ko sila sa pinas,titiisin mo lang yun kakarampot mong kita na kulang pa sa mga bills na bayarin sa araw-araw
hindi mo mabibili yun gusto na makakapag pasaya sa kanila. Hindi din kaya na palagi mo silang igagala hahanap ka ng institution na mura or libre para sa kanilang pag aaral.pero maibibigay ko ba lahat ng oras sa kanila kahit nasa iisang bansa kami?hindi po dahil kahit mag kakasama kami dadating ako tulog na sila,gigising ako nasa school pa sila or konting oras lang ang makakausap ko sila at mag wo work na ulit. Pero bilang ofw kaya mo parin gampanan pagiging ina kc ako lagi akong updated,tatawag anytime kahit nasa work ako ma check ko lang if ok sila, na susuportahan ko sila at naibibigay ang basic needs na need nila everyday.ang future like studies,house and everything na need ng family ma se secure mo sa maayos na pamamaraan kung marunong ka mag ipon para sa family at sa future ninyo. Then pwede mo narin sila makasama kung asaan ka sa ngayon depende sa bansang napuntahan mo.pero ang hindi pwedeng mawala ay communication after work naka open na camera ko para makausap sila kahit may time ayaw nila ng matagal na kwentohan kaya open lang camera mo at titigan mo lang sila!😊 pero atleast nagagawa mo parin obligasyon mo bilang ina yun makumusta sila at makausap sila at masabi mo at maiparamdam na mahal mo sila.hindi na dun pinag uusapan yun sakripisyo mo ang mahalaga maibigay mo at ma secure yun future nila.