11/06/2026
Pinili at Minahal Ka ng Diyos | Deuteronomio 7:6-11
Hindi ka pinili ng Diyos dahil ikaw ang pinakamalakas, pinakamayaman, o pinakaperpekto.
Pinili ka Niya dahil mahal ka Niya.
Sa Deuteronomio 7:6-11, pinaalala ni Moises sa bayan ng Diyos na sila ay pinili, iniligtas, at minahal ng Panginoon. Hindi dahil sa laki o kapangyarihan nila, kundi dahil sa tapat na pag-ibig at pangako ng Diyos.
Ganyan din ang paalala sa atin ngayon:
Kahit maliit ka sa tingin ng mundo, mahalaga ka sa mata ng Diyos.
Manatiling tapat, sundin ang Kanyang Salita, at magtiwala sa Kanyang pangako.
ARAL:
Pinili ka ng Diyos dahil mahal ka Niya.
Manatiling tapat at sundin ang Kanyang Salita.