17/07/2026
May your soul Rest in Peace nakakagulat talaga ang mga balita about sa yo ngayon...So Young to Die .
VLOGGER PINATAY
Nasawi ang political vlogger na si Mima Alicia matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. 171, Caloocan City ngayong Biyernes, July 17.
Dead on the spot si Alicia matapos tamaan ng bala sa ulo at katawan. Sugatan naman ang kanyang live-in partner na si alyas “Nelboy.”
Bandang 3 a.m. nang iparada ng mag-live-in ang kanilang sasakyan sa harap ng inuupahang bahay. Bumaba si “Nelboy” upang buksan ang gate nang biglang sumulpot ang riding-in-tandem at pinagbabaril sila.
Ayon sa may-ari ng inuupahang bahay ng mga biktima, bagong lipat ang mag-partner sa lugar.
Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaril. Kabilang dito ang posibilidad na may kaugnayan ito sa negosyong buy-and-sell ng mag-live-in o sa pagiging political vlogger ni Alicia. | via Gary de Leon