Datapuwat

Datapuwat Philippine Update

19/08/2026

Nagbigay ng pahayag si Office of the Press Secretary Undersecretary Claire Castro matapos ang naganap na school shooting sa Zamboanga, na ikinasawi ng dalawang katao, kabilang ang umano’y suspek sa insidente.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Castro ang kahalagahan ng tamang asal at moralidad, lalo na sa mga kabataan na maaaring maimpluwensiyahan ng mga nakikita at naririnig nila mula sa mga nakatatanda.

“Minsan na po nating nakita mismo ang ibang mga g**o ay lumalabag sa ganitong klase ng moralidad. Sila minsan nagtuturo sa kanilang mga estudyante kung papaano maging walang modo.”

Ayon kay Castro, hindi magandang halimbawa para sa mga kabataan kung may mga nakatatandang nagpapakita ng maling pag-uugali o hayagang lumalabag sa mga pamantayan ng respeto at mabuting asal.

Ang pahayag ni Castro ay kasunod ng school shooting sa Zamboanga, kung saan patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga pangyayari, kabilang ang motibo at iba pang detalye na may kaugnayan sa insidente.

Address

Manila
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Datapuwat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share