Katuwangz Malazakit

Katuwangz Malazakit AOC❤️😍❤️

"FEEDING OF LOVE, BODY, AND SOUL"❤️🙏🏻

Taos-Pusong Pasasalamat ❤️Matagumpay na naman nating nairaos ang Katuwangz Malazakit Feeding Program! 🙏❤️ Kahit umulan, ...
17/08/2026

Taos-Pusong Pasasalamat ❤️
Matagumpay na naman nating nairaos ang Katuwangz Malazakit Feeding Program! 🙏❤️ Kahit umulan, hindi natin ininda ang panahon—ang mahalaga ay makapagbahagi tayo ng pagkain at makapagbigay ng saya sa mga kabataan. 🌧️🍱😊
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa ating mabuting sponsor na si Madam Bebelyn Rebutazo. Dahil sa inyong suporta at kabutihang-loob, marami na naman po tayong mga kabataan na napasaya at nabigyan ng munting tulong. ❤️🙏

Maraming salamat din po kay Val Carizo sa pagtulong at pagbibigay ng venue para maisagawa ang ating programa. Malaking bagay po ang inyong suporta sa tagumpay ng gawaing ito. 🙏

Mula sa Katuwangz Malazakit, maraming maraming salamat po sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta at tumutulong. Sa bawat malasakit, mas marami pa tayong napapasaya at natutulungan. ❤️

Katuwangz Malazakit — sama-sama sa pagbibigay, sama-sama sa pagpapasaya. 🫶✨
God bless po sa ating lahat! 🙏❤️

08-16-2026

16/08/2026

Isang masaya at matagumpay na Feeding Program ang ating naidaos dito sa WMC BLK 8 NEW SITE! 🍲💛

Nagpapasalamat po kami sa lahat ng tumulong sa paghahanda, pagluluto, at pagbibigay ng pagkain para sa mga kabataan at pamilya.
Salamat din sa ating sponsor na si madam Bebelyn Rebutazo na nagpaabot ng suporta. Dahil po sa inyo, napakaraming bata ang napangiti at nabusog ngayong araw.
Hindi lang pagkain ang ating nabigay pati na ang pagmamahal.
Salamat din po sa ating Blk. Coordinator na si Cariso na nagpa unlak at tumulong din po sa programang ito. 🥰🙏

WMC BLK 8 NEW SITE
Aug. 16,2026

16/08/2026

Magandang Umaga po sa lahat mga Katuwangz😍 Kitakitz po tayo maya sa WMC/Blk. 8 New Site Para sa ating Feeding Program ; Sponsored by Ma'am Bebelyn Rebutazo💞🙏

Maraming Salamat po🥰

09/08/2026

Mga Katuwangz... Mag iingat po tayong lahat❤️🙏

Ngayong tag-ulan, maging handa at iwasan ang mga sakit tulad ng W.I.L.D. (Waterborne diseases, Influenza, Leptospirosis, at Dengue). Magdala ng panangga sa ulan, huwag lumusong sa baha, siguraduhing malinis ang inuming tubig, at magpatingin agad sa doktor kung makaramdam ng kakaibang sintomas.

Mga Gabay at Paalala

W - Waterborne diseases: Uminom lamang ng malinis o de-boteng tubig; pakuluan ito kung may pagdududa.

I - Influenza: Magsuot ng angkop na damit o kapote; palakasin ang resistensya sa pamamagitan ng masustansyang pagkain.

L - Leptospirosis: Iwasang lumusong sa baha. Gumamit ng bota kung kinakailangan at maghugas agad ng katawan.

D - Dengue: Linisin ang paligid at itapon ang mga naipong tubig sa basurahan o timba para hindi pamugaran ng lamok.

Salamat pong muli sa butihing Sponsor 💕🙏 Bebz ma'am... Bebelyn Rebutazo ... For our Upcoming Feeding Program.Abangan po ...
02/08/2026

Salamat pong muli sa butihing Sponsor 💕🙏 Bebz ma'am... Bebelyn Rebutazo ... For our Upcoming Feeding Program.
Abangan po natin mga Katuwangz ang aming anunsiyo.
Maraming Salamat po... Kitakitz😍🙏

28/07/2026

With Bandera – I just made it onto their weekly engagement list by being one of their top engagers! 🎉🥰🫸🫷

Thank you so much Sir Jonathan Sterling... May you continue to be a blessing to others.🩷🫸🫷
21/07/2026

Thank you so much Sir Jonathan Sterling... May you continue to be a blessing to others.🩷🫸🫷

NAMAHAGI ng school supplies at pagkain si British philanthropist Jonathan Sterling, katuwang ang Katuwangz Malazakit, sa 300 batang kinder.

20/07/2026

*Katuwangz Malazakit Feeding Program*
_July 19, 2026 | Gymnasium, Blk. 2 Gasangan_

Maraming salamat sa *200 kabataan ng Baseco Youth Cares* sa pangunguna ng kanilang Founder na si Sir Randy Pimentel Olesco, pati na rin kay Steffi Andrei Buedron Garcia at kay Jane Makimay Kayo ang aming naging katuwang sa matagumpay na programang ito.

Sadyang maganda at makabubuti ang ganitong mga kaganapan para sa mga kabataan ngayon, lalo na sa panahon na maraming hindi magagandang nangyayari sa paligid.

Salamat din sa lahat ng *Katuwangz Team* na nakiisa at nagbigay ng oras at puso, kahit ang iba ay hindi nakarating.

Ang pagtutulungan natin ang tunay na diwa ng _Katuwangz Malazakit_.
_Katuwang sa Pagmamahal. Katuwang sa Pag aalaga_



`

🎒📚 BACK-TO-SCHOOL DRIVE 2026: 300 KINDERGARTEN LEARNERS, 300 REASONS TO SMILE! ✏️❤️(July 09,2026)Isang araw na puno ng s...
11/07/2026

🎒📚 BACK-TO-SCHOOL DRIVE 2026: 300 KINDERGARTEN LEARNERS, 300 REASONS TO SMILE! ✏️❤️
(July 09,2026)

Isang araw na puno ng saya, pag-asa, at malasakit ang ating matagumpay na Back-to-School Drive para sa 300 Kindergarten learners ng Sen. Benigno Aquino Elementary School sa Brgy. 649, Baseco! 🥰

Sa pamamagitan ng programang ito, 300 bata ang nabiyayaan ng school supplies at Jollibee meals—mga munting handog na sana’y magsilbing dagdag na inspirasyon sa kanilang pagsisimula ng panibagong school year. 📚✏️🍔

Ang lahat ng ito ay naging posible dahil sa bukas-palad na suporta ng ating sponsor at pilantropong si Sir JONATHAN STERLING. Maraming-maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob at sa pagpili sa komunidad ng Baseco upang maging bahagi ng inyong pagbabahagi ng biyaya. Isang malaking karangalan para sa Katuwangz Malazakit na maging tulay upang maihatid ang inyong tulong at pagmamahal sa ating mga batang mag-aaral. ❤️🙏

Lubos din ang aming pasasalamat kay Charity Manager Myrna Verecio, at sa buong Sen. Benigno Aquino Elementary School, sa pangunguna ng kanilang Principal na si Sir Noel Gelua, kasama sina Ma’am Lo**ta Akim, Ma’am Marlene Ferrer, Ma’am Jeciel Abejero, at sa lahat ng mga g**o ng Kindergarten na buong pusong nakiisa sa programa.

Maraming salamat din sa aming mga Katuwangz Team Leaders at Volunteers, sa mga SPTA, at sa lahat ng kawani at katuwang na naglaan ng kanilang oras at lakas upang maging maayos at matagumpay ang aktibidad na ito. 🤝❤️

Isang espesyal na pasasalamat din kina Arramae Octaviano at Putly Sawadjaan;Dahil sa adviser nila sa AMA Comp. Sch. during their Senior High, (Ma'am Myrna Verecio) naging daan upang makadaupang-palad at makaugnayan natin si Sir Jonathan Sterling. Sa pamamagitan ng inyong koneksyon at malasakit, isang magandang adhikain ang naging realidad para sa 300 batang mag-aaral. 🙏

Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay P/B Diana Espinosa, sa Action Team, kay Former Kristo Hispano, sa ating Kapulisan, at sa BATY (Baseco Action Team Youth) sa pangunguna ni Ervin Perez, sa inyong suporta at pakikiisa upang maisakatuparan ang programang ito.

Sa likod ng bawat school supply na naipamahagi at bawat ngiting nasilayan ay ang sama-samang pagkilos ng mga taong may pusong handang tumulong. ❤️

Muli, maraming-maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng ating Back-to-School Drive! 🥰🙏

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang munting handog na ito sa ating mga batang mag-aaral upang mas masigla at may kumpiyansa nilang harapin ang panibagong taon ng pag-aaral. 🎒📚✨

Para sa mga bata. Para sa kanilang mga pangarap. Para sa kinabukasang puno ng pag-asa. ❤️

Address

Baseco Port Area
Manila
1018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Katuwangz Malazakit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category