10/02/2026
Hindi madali para sa akin ang isulat ito, pero kailangan kong maging totoo sa inyo.
Napakabigat sa dibdib ng desisyong ito at sobrang sakit sa puso ko.
Alam kong marami sa inyo ang matagal ng naghihintay, nag-aabang, at naniwala sa amin simula pa lang. Maraming salamat sa lahat ng suporta, tiwala, at pagmamahal na ibinigay ninyo, hindi niyo alam kung gaano kalaki ang naitulong niyon sa akin, lalo na sa mga panahong muntik na akong sumuko.
Sa ngayon, kailangan ko munang huminto at hindi muna ituloy ang pagbubukas ng aming mini alfresco dining. Matagal ko itong pinangarap, pinagdasal, at pinaghandaan, kaya sobrang bigat tanggapin na kailangan ko muna itong isantabi sa ngayon. May mga pagkakataon talagang kailangan mong bitawan muna ang pangarap hindi dahil ayaw mo na, kundi dahil kailangan mo munang magpahinga at ayusin ang mga bagay.
Umaasa akong darating ang araw na masasabi kong, “OPEN NA KAMI,” at sana sa araw na iyon, andiyan pa rin kayo, kasama pa rin namin sa pagtupad ng pangarap na to.
Sa ngayon, patuloy pa rin po kaming tatanggap ng events at bilao/tray orders.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa, sa patuloy na paniniwala, at sa pagmamahal na hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko. 🤍
Hindi ito paalam… kundi,
Sandali lang muna. 🥹