25/01/2024
'AS PARENTS, WHAT WE DO IS SUPPORT'
Iyan ang ibinahagi ng singer-host na si Regine Velasquez-Alcasid sa recent episode ng Magandang Buhay kung saan binasa nila ang letter ng isang anak patungkol sa kanyang nanay na overseas Filipino worker.
"Dear Momshies, I'm a proud daughter po ng OFW. I'm 18 years old and since 3 po ako, nagtatrabaho na si nanay sa Qatar. Thankful po ako dahil never siya nagkulang financially at emotionally," saad ng letter ni Carla Angela.
"Pero ngayon po, almost 1 month na kaming 'di nagkikibuan. Nagsabi kasi ako sa kanya na ayaw ko sumunod sa Qatar. Not because ayaw ko [siya] makasama, pero dahil kuntento ako sa buhay ko rito. Bad daughter ba ako for wanting this? Love ko si mama, pero tingin ko kailangan ko 'tong gawin," dagdag pa nito.
"Huwag ho nating ikumpara na porke't, 'Ay 'yung anak ni ganito nagpunta sa ibang bansa, ngayon may kotse na, may bahay na, ikaw nangungupahan pa rin. Never. Because, put it this way. Hindi porke't hindi ka gano'n kayaman or salat ka sa kaginhawaan sa buhay e automatic, malungkot ka. You need to learn to have a listening ear to your children as well," saad ng guest psychologist na si Tofi De Jesus.
"'Yung pangarap mo bilang magulang, pangarap mo 'yon. Hindi 'yon necessarily pangarap ng anak mo. So, as a parent, as parents, what we do is support, give them, kumbaga bigyan, let's equip them, like, education, everything," dagdag naman ni Regine. (YouTube/ABS-CBN Entertainment)