26/08/2025
"𝐀𝐋𝐀𝐁"
Sto Niño National High School | Theia Chiemi R. Gallardo
Kilala ang mga Batang Taga-Marikina sa pagkakaroon ng disiplina, mabuting panlasa at kahusayan. Isa pa rito ang pagkakakilanlan sa mga Marikeño sa pagiging malikhain at talentado, at hanggang ngayon ay buhat ito ng mga kabataan. Dala-dala pa rin nila ngayon ang tanyag na kulturang pamana ng ating mga ninuno.
Ang obra na ito ay nagpapakita ng mga ideyang magbubukas ng kamalayan ng mga Marikeño at magliliyab ng pag-asa ng bawat mamamayan. Kita naman ngayong panahon na patuloy yumayabong ang natatanging husay ng Marikeño at tuloy-tuloy rin ito sa pagbibigay ng karangalan sa bayan. Bawat hakbang ng progreso nila ay tungo sa kaunlaran at pagbabago.
Isa itong palatandaan na ang kabataan ng Marikina ay hindi lamang mga batang nangangarap, sila mismo ang larawan ng ating kinabukasan.