11/04/2026
Mateo 14 : 24 - 27
Samantala, ang bangka ay nasa laot na ngunit sinasalpok ito ng mga alon dahil pasalungat ito sa hangin.Nang madaling-araw na'y sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. “Multo!” sigaw nila. Ngunit nagsalita agad si Jesus at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, ako ito
Sabi ng Panginoong Jesus makipot ang daan patungo sa kaligtasan at kakaunti ang dumadaan doon. Sa ating pagsunod sa Diyos marami ang di makakaunawa sa atin. Lalong na sa panahon ngaun kung saan ang mundo mas niyayakap ang kamalian at ginagawang katawa tawa ang katotohanan. Mas ginagawa nilang normal ang kasalanan at ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ay kahangalan. Maraming mga bansa ang pinagbabawal ang paghahayag ng salita ng Diyos at talamak ang pagtuligsa sa mga mananampalataya na nauuwi sa kamatayan. Minsan gusto na natin sumuko. Magpatianod na lang sa alon ng sa gayon mamuhay tayo ng panatag at payapa sa mundo.
Nakikita ng Diyos ang pasakit at paghihirap mo. Di Sya bulag ni malayo sayo. Infact nakasunod Sya sayo. S kwento habang ang mga disipulo ay nakararanas ng matinding pagsalpok ng alon na halos ikalubog nila ang Panginoong Jesus nakatunghay at nakasunod sa kanila. Sinabi Nya na wag kayong matakot. Sa pagkakataong ito naranasan nila ang Panginoon at nakaranas ng mga imposibleng bagay. Ang makalakad sa ibabaw ng tubig. Na side track man si Pedro na halos ikalubog nya pero sa kanyang pagtawag sa Panginoon hindi sya nito pinabayaan.
Sabi ng Panginoong Jesus O kay liit ng inyong pananampalataya!. Sa huling panahon patuloy tayong tumayo sa pananampalataya. Humingi ng lakas para lumaban at wag patangay sa pabulok na sistema ng mundo. At mararanasan natin ang dakila Nyang pagsama. Mga kahanga hanga at dakilang bagay na bunga ng pananampalataya. Sya ay makapangyarihan sa lahat. Protekdato ka ng Kanyang kapangyarihan. Only dead fish goes with the flow ika nga. Alive fish can swim against the current. Sa Diyos ang papuri!