29/10/2025
FYI
🚭 𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧𝗟𝗬 𝗡𝗢 𝗦𝗠𝗢𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗗 𝗩𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚!
Ngayong Undas 2025, mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo at paggamit ng v**e sa lahat ng sementeryo sa Bayan ng Mariveles.
Magkakaroon ng nakatalagang mga tauhan mula sa PNP at Public Safety Office (PSO) upang magpatrolya at mahuli ang sinumang lalabag sa naturang ordinansa.
Mahigpit na rin itong ipatutupad sa buong bayan ng Mariveles, alinsunod sa Municipal Ordinance No. 2023-233 o The 2023 Comprehensive To***co and Ni****ne Ordinance of Mariveles, na nagbabawal sa paninigarilyo, paggamit, at pagbebenta ng mga produktong tabako at v**e sa mga pampublikong lugar.
Hinihiling namin ang inyong pakikiisa at kooperasyon sa pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at smoke-free na Mariveles.
Maraming salamat po.