15/09/2026
Everytime binalikan ko kung saan kami nagsimula, hindi ko maiwasang maluha at mapangiti habang iniisip kung paano ako nakarating dito.
Maliit man ang kinikita noon, araw araw buhat ng gamit , tinda sa umaga tinda ulit sa gabi sa magkaibang lokasyon, at kahit ilang beses mapagod, bumabangon pa rin para sa susunod na event. Kumukuha rin kase kami ng events sa labas gamit itong mobile cart namin, nakakalungkot lang nasira na ng habagat nung nakaraang buwan pilit kong hindi mag post, mag share. Nalulungkot parin ako kase yung cart na yun yung dahilan kung bakit kami nakarating sa kung nasaan man kami ngayon , kasama namin sya sa bawat journey ni prettea. Naging busy narin kase kami dahil bumukod na kami ng asawa ko. Ang daming ibat ibang emosyon may nawala at may dumating. May mga nasira at may bagong pag asa.
Nais kong mag pasalamat sa mga prettea drinkers namin na hanggang ngayon minamahal at pinipili si prettea ๐ง๐งฟ๐ชฌ Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta , yung lungkot ko sa pag kawala ng aming mobile cart ay natatabunan ng saya dahil maraming memories ang naiwan nya. Maraming customers ang bumabalik balik , at sumusuporta. ๐ซถ๐ป
Wag nang malungkot sa mga bagay na nawawala bagkus mag focus sa kung anong dumadating sa ating pag subok man yan o blessings. Maraming salamat po ! ๐