13/11/2025
Magandang araw mga suki! Malungkot po naming ibinabalita sa inyo na ang aming tindahan ay nagsara na. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta at tiwala sa aming mga produkto at serbisyo. Sa loob ng mga taon ng aming operasyon, naging inspirasyon namin ang inyong patuloy na pagtangkilik. May mga pagbabago at pagbabalik naka-amba sa darating na taon. Habang kami ay magpapahinga muna sa serbisyo sa inyo, baon namin ang masasayang alaala kasama kayo. Abangan ang susunod na kabanata ng aming pastil. Manatiling naka-follow sa aming page para sa iba pang detalye. Papalipasin lang natin ang pasko at bagong taon, muli niyong matitikman ang pinaka solid namkng PASTIL! Kita kits mga ka-LMG! ❤️