03/01/2026
Realtalk lang ah.
Kung nai-stress ka sa business mo, kung napapagod ka, kung minsan pakiramdam mo ang bigat-bigat , hindi ibig sabihin mahina ka.
Ibig sabihin ginagamit mo talaga ang utak at katawan mo para umusad.
Walang negosyong lumalago na puro saya lang.
Yung stress? Senyales yan na nag-iisip ka, nag-aadjust ka, naghahanap ka ng paraan.
Yung pagod? Patunay yan na kumilos ka, hindi ka lang umasa sa swerte.
Ang totoo, mas delikado yung hindi ka na nai-stress.
Kasi minsan ibig sabihin nun, tumigil ka nang mangarap, o kontento ka na sa pwede pang palaguin.
Hindi ka tinutuklap ng negosyo mo hinuhubog ka
Pinapalakas yung diskarte mo.
Pinapatalas yung desisyon mo.
Pinapahaba yung pasensya mo.
Oo, mahirap.
Oo, nakakaubos minsan.
Pero bawat araw na pinipili mong lumaban kahit pagod ka na, investment yan sa sarili mo.
Kaya kung nahihirapan ka ngayon, tandaan mo
Hindi ka nawawala sa landas nasa proseso ka.
OPEN PO TAYO JANUARY 5 2026 βΌοΈβΌοΈ