20/08/2026
PAALALA LANG PO SA LAHAT
Ibinabahagi namin itong CCTV footage tungkol sa insidente ng pagnanakaw sa aming shop kagabi August 19, 2026, bandang 11:00 PM onwards.
Nakakalungkot at nakakabahala. Ano na ang nangyayari sa Naga City? Parang sunod sunod na rin ang mga nakawan. Papalapit na ang pista ng ating Mahal na Ina, pero tila mas lalo ring dumarami ang mga taong pinipiling gumawa ng masama kaysa lumaban nang patas sa buhay.
Ayon sa kuha ng CCTV, nakamotor ang dalawang hinihinalang sangkot sa insidente. Naiwan nila sa lugar ang kanilang motor at helmet, na maaari ring makatulong sa ginagawang imbestigasyon.
We are so thankful to our Almighty God, sa ating Mahal na Ina, Our Lady of Peñafrancia, at kay Divino Rostro, dahil walang nasaktan sa nangyaring insidente.
Kung may nakakakilala sa mga taong nasa video o may anumang impormasyon tungkol sa insidente, p**i message na lang po kami o makipag ugnayan sa mga awtoridad.
Sana makatulong din ang pag share nito para maging mas alerto ang ibang negosyo at ang ating komunidad.
Naga City Government
Mayor Leni Robredo
Philippine National Police
AReiz Macaraig
Mag ingat po tayong lahat at maging mapagmatyag, lalo na ngayong papalapit na ang kapistahan ng ating Mahal na Inang Peñafrancia.