29/06/2026
Puno ng "arom" or "arong" kung tawagin sa bikol.
Ang dahon nito ay ginagamit pang gamot sa sipon ng alaga nating mga manok, gamit ang katas pinipiga ito at pinapatak sa mata ng manok na may sipon..subalit isa din ito sa numero unong lason para sa mga alaga nating mga manok..ang mga buto nito ay sanhi ng pagkamatay at pagkaubos ng mga nakagala kong mga manok, taon taon akala ko tinatamaan ng pesti subalit napansin ko iyong mga nakabitaw lang ang namamatay at yong mga nakatali ay mga healthy naman kaya nag imbestiga ako hanggat napansin ko ang kanilang butsi at balonbalonan ay may nakita akong malilit na kulay itim na parang mga bato ngunit may mga tuldok tuldok na kulay puti kaya naisip ko na ito ay buto ng puno or halaman kaya kumoha ako ng sample at hinanap ko sa paligid kung saan galing ang buto na yon at yan nga ng aking mahanap ay galing pala sa puno ng arom..
*Epekto sa manok pag nakatuka ng buto*
👉Parang lasing, suray2 kung maglakad.
👉Naduduling, hindi nya matuka ang pagkain kahit nasa harap nya na.
👉Black out pag madami ang nakain tapos nag lalaway habang tulog hanggat di na magising.
👉Naglalaway kaya aakalain mo na tinamaan talaga ng pesti.
*Fatal sa manok lalo pag marami nakain.
*Pero may case na meron sakin nabuhay na biktima pero namayat talaga dahil mahigit isang linggo silang black out kaya di makakain.
*Antayin nyo lang na matunaw or maitae nila ung kanilang kinain gigising na ulit sila niyan.