02/07/2026
๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐; ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa pangunguna ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na inatasan ang paghahain ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at drayber ng isang pick-up truck matapos mamataang may sakay na mga pasahero sa cargo bed ng sasakyan habang bumibiyahe sa pampublikong kalsada.
Matapos makarating sa ahensya ang larawang nagpapakita ng naturang insidente, agad na ipinag-utos ni Assistant Secretary Lacanilao ang pagsasagawa ng beripikasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari at drayber ng Toyota Hilux.
Sa nakalap na larawan, makikita ang mga estudyanteng nagsisiksikan habang nakasakay sa likurang bahagi ng sasakyan nang walang nakikitang anumang kaukulang safety restraints, na naglalagay sa panganib.
Sa isinagawang imbestigasyon, agad na natukoy ang rehistradong may-ari at drayber ng nasabing sasakyan. Dahil dito, kaagad siyang inisyuhan ng SCO at inatasang humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) upang magsumite ng sinumpaang salaysay at ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat managot sa kasong Reckless Driving, gayundin kung bakit hindi siya dapat ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring magresulta sa suspensyon o pagbawi ng kanyang driverโs license.
Bukod sa mga nabanggit na paglabag, natuklasan din sa isinagawang beripikasyon na ang sasakyan ay hindi rehistrado. Dahil dito, isinama rin sa mga kasong kinakaharap ng drayber ang paglabag na Driving an Unregistered Motor Vehicle.
Bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon, agad ding isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver's license ng drayber at inatasan siyang isuko ito sa IID. Inilagay na rin sa alarma ang naturang sasakyan upang matiyak na hindi ito magagamit o makapagsagawa ng anumang transaksiyon sa alinmang tanggapan ng LTO habang isinasagawa ang kaukulang imbestigasyon.
โKapakanan ng mga pasahero ang lagi nating inuuna, lalo na ang mga estudyante. Hindi natin palalampasin ang ganitong mapanganib na gawain sa kalsada dahil nakasalalay dito ang buhay at kaligtasan ng mga pasahero. Maging responsable at disiplinado sa pagmamaneho, malapit man o malayo ang inyong biyahe,โ pahayag ni Assistant Secretary Lacanilao.
Muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na tiyaking ligtas at naaayon sa batas ang paraan ng pagsasakay ng kanilang mga pasahero. Patuloy na paiigtingin ng ahensya ang pagpapatupad ng batas-trapiko laban sa mga mapanganib na paglabag upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat gumagamit ng lansangan.