Jowaaan's raket

Directions

Jowaaan's raket Owner: Joan Talubo @ Banca-Banca Nagcarlan Laguna

HAPPY EARNINGS✨ COINS UNLOAD FROM OUR PISO WIFI VENDO🤑Ito disadvantage ng piso wifi vendo, tatamarin ka mag coins out ha...
28/09/2026

HAPPY EARNINGS✨ COINS UNLOAD FROM OUR PISO WIFI VENDO🤑

Ito disadvantage ng piso wifi vendo, tatamarin ka mag coins out hanggang sa matambakan🙈 HAHAHAHAHA

🔥 FOR SALE: PISO WIFI VENDO UP TO 300 METERS RANGE + FREE CCTV! 🔥💰 ₱8,000 LANG — PLUG & PLAY NA!📌 Baka ito na ang sign m...
28/09/2026

🔥 FOR SALE: PISO WIFI VENDO UP TO 300 METERS RANGE + FREE CCTV! 🔥
💰 ₱8,000 LANG — PLUG & PLAY NA!
📌 Baka ito na ang sign mo para magkaroon ng extra income!

🚨 REASON FOR SELLING:
Mag-uupgrade na po ang JOWANA NYO 🫶❤️
Kaya kailangan natin kumilos agad! HAHAHA 😂

Pero seryoso, sayang ang opportunity nito lalo na kung gusto mong magkaroon ng dagdag income habang nasa bahay or may maliit kang store/business. 💸

✨ BAKIT SULIT ITO?

✅ PISO WIFI VENDO — plug & play na
✅ May ADMIN PORTAL para mamonitor ang sales mo 📊
✅ Tuturuan ko kayo ng lahat ng alam ko tungkol dito — mga bagay na pinag-aralan at niresearch ko talaga.
👉 Meaning, HINDI KA NA MAGSISIMULA SA ZERO!

🎥 FREE CCTV NA RIN!
✅ Pwede mong ma-access kahit nasaan ka
✅ Pwede mong kausapin ang nasa bahay/store gamit ang 2-way voice
✅ At syempre…proven and tested ang cctv na to dahil nakahuli na ng nangungupit ng biscuits🙄😂

💡 ADVANTAGE NG PISO WIFI:
Pwedeng makatulong sa pag-cover ng monthly WiFi at kuryente, depende siyempre sa dami ng customers at location.

❌ DISADVANTAGE:
Nakakatamad magbilang ng coins. HAHAHAHAHA 🪙😂

WAG NA PO KAYONG TUMAWAD 😂
dahil wala naman kayong kasalanan! HAHAHA 🤣

Sakto na rin kasi kailangan ko na talaga ng dagdag pang-UPGRADE. 🫶

📩 PM ME SA INTERESTED!
Baka habang iniisip mo pa, may ibang kumuha na. 👀

SERIOUS BUYER ONLY. ❤️
Thank you everyone! 🙏✨

“Para namang pamilyado ka na kung magsipag at dumiskarte ka.” 🙈😂Quick story lang kanina… Nag-inquire ako ng ibang raket ...
19/09/2026

“Para namang pamilyado ka na kung magsipag at dumiskarte ka.” 🙈😂

Quick story lang kanina… Nag-inquire ako ng ibang raket na pwede kong pagkakitaan. Then bati nya sakin...

“Para namang may anak ka na kung maka-raket at makahapit ka eh🤨" (in negative tone🙈😂)

Napasagot na lang ako ng, “Madami po kasing bayarin na bills.”🙈😂

At the age of 25, napaisip talaga ako…

Kailangan ba talagang may anak o pamilyang binubuhay bago tayo magkaroon ng dahilan para magsipag, magtiyaga at dumiskarte para kumita?

Hindi naman siguro. Minsan, gusto mo lang magkaroon ng mas maayos na buhay. Gusto mong may ipon. Gusto mong mabayaran ang mga bills nang hindi kinakabahan. Gusto mong may pangarap na maabot. ❤️

Hindi kailangang may anak ka para magkaroon ng responsibilidad. At hindi kailangang may malaking dahilan para piliing magsipag.

Basta alam mo kung para saan ka nagsusumikap, sapat nang dahilan ‘yon. 🥹❤️

Kaya kung may pagkakataong kumita nang marangal, bakit hindi natin susubukan? 💪✨

Diskarte lang nang diskarte. Hindi dahil may kailangang buhayin, kundi dahil may buhay tayong gustong pagandahin. ❤️

Today's ganap : Nag gagawa ng ice candy (dahil madami na nagrerequest) then biglang tumawag buyer for Lansones pick up😇❤...
19/09/2026

Today's ganap : Nag gagawa ng ice candy (dahil madami na nagrerequest) then biglang tumawag buyer for Lansones pick up😇❤

Walang easy money, lahat pinag papaguran at pinagsisikapan 😊

Thanks G sa mga raket and extra 😇🙏❤

PS: Available na po ice candy tomorrow🤤

13/09/2026

3 types of me in terms of decision making as lakwatsera, tindera and raketera :

1. Raraket malala, mag lilista ng lahat like gastos, expenses and kita.
2. Iisipin kung kakain sa labas, magra-rides or bibili ng mga luho🙈
Ending...
3. Maaakit sa promo, ibibili nalang lahat ng paninda 😂

Life balanced baga🙈😂

Iba't-ibang anggulo, iisa ang dulo💸 Thank G✨❤ More raket to come 😇    🛵
13/09/2026

Iba't-ibang anggulo, iisa ang dulo💸

Thank G✨❤ More raket to come 😇


🛵

10/08/2026

Minsan, kailangan mo lang balikan kung saan ka nagsimula para ma-realize kung gaano ka na kalayo. 🥹❤️

Habang nagtatakal ako ng mantika kanina, bigla kong naalala yung mga panahong nagsisimula pa lang ako.

Dalawa o tatlong bote lang ng mantika ang meron ako noon—nakapatong pa sa sahig ng maliit kong tindahan.

Simple lang kung tutuusin. Pero ngayon, ilang taon na ang lumipas at mapapaisip ka na lang talaga… grabe, ang dami na palang nagbago.

Ang daming maliliit na progress.
Maliliit na improvements.
Maliliit na wins na minsan hindi ko man napapansin habang nangyayari.

Pero kapag pinagsama-sama mo lahat, doon mo mare-realize na malayo na rin pala. 🥹

Thank you, my mini store. ❤️

Kahit naging on and off tayo nitong mga nakaraang taon dahil may mga bagay akong kailangang unahin at i-prioritize, nandito ka pa rin. Patuloy na nakatayo. Patuloy na bumabangon.

At sa totoo lang, parang ganun din ako.

May mga araw na napapagod ako. May mga panahong nawawalan ng gana. Pero somehow, patuloy Mo pa rin akong binibigyan ng dahilan para bumangon at magpatuloy.

Kaya Lord, thank You.🙏🏻

Thank You for every little progress.

Thank You for every provision.
Thank You for every opportunity.
At higit sa lahat, thank You dahil kahit ilang beses akong mapagod, hindi Mo ako hinahayaang tuluyang sumuko.

Maliit man ang simula, kapag pinagsama-sama ang bawat maliit na hakbang, malayo rin pala ang mararating.✨

Today, I may not have everything I dreamed of yet, but I have so much to be grateful for.

Thank You, Lord, for all the blessings. ❤️🙏🏻


03/08/2026

First monday of the month expenses 💸 May delivery pang paparating😇♥️

More expenses today kaya sana more sales/ income din🤞

How coins help us survive our monthly bills and expenses. 🥹💛✨ Here are our little tips:🪙 Separate every coin source—**la...
28/07/2026

How coins help us survive our monthly bills and expenses. 🥹💛

✨ Here are our little tips:

🪙 Separate every coin source—**lambanog coins, ice cream coins, benta ng yelo**, etc. These are for paying balances, debts, and our water bill. 🥰

💡 Save **₱100 every day** for the electric bill. (Task ng aking favorite kapitbahay na minsan nakakalimutan. 🙈🤣)

📶 The monthly coins from our **Piso WiFi vendo** are for our internet bill and additional budget for the electric bill.

Never underestimate small coins. When saved with purpose, they can help cover your monthly expenses and make a big difference. Every peso counts! 🥰💛

Bills paid, hearts grateful. Thank You, Lord, for everything. 🙏🏻🤍


Address

Purok 6 Maravilla
Nagcarlan
4002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jowaaan's raket posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category