Hapi Harvest Farm

Hapi Harvest Farm Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Hapi Harvest Farm, Farm, Brgy. Abo, Nagcarlan.

21/05/2025

MULING PAGBUBUKAS NG ORGANIC TRADING POST

Kanina lang, ika-14 Mayo 2025, bumisita at nakipagpulong sina Ms. Jinky D. de Luna, Marketing Specialist I at Ms. Elena G. Latay, Agriculturist I mula sa Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), Department of Agriculture Regional Field Office (DA-RFO) IVA, kay Gng. Maricel Gamara, Agricultural Technologist ng Opisina ng Pambayang Agrikultor ukol sa nalalapit na planong pagbubukas muli ng ORGANIC TRADING POST sa Pamilihang Bayan ng Nagcarlan, Laguna.

Para sa kaalaman ng lahat, ang Organic Trading Post (OTP) ay isang lugar kung saan direktang nadadala at naibebenta ng mga lokal na magsasaka ang kanilang mga organic/ naturally grown vegetables at iba pang produkto sa mga mamimili.

Layon ng DA RFO IV-A na palakasin ang operasyon at paggamit ng mga OTP, kabilang na ang pagbibigay ng suporta at pakikipag-ugnayan sa mga OTP Management Team upang maipakita at maibenta ang mga organikong produkto sa lokal na pamilihan

Taos-pusong pasasalamat sa ating Butihing Mayor, Ark./Inh. Elmor V. Vita, sa kanyang suporta sa muling pagbubukas at pagpapatayo ng OTP. Ang inisyatibong ito ay hindi lamang nagbibigay-daan sa pagpapalago ng lokal na organic farming kundi nagtataguyod din ng malusog at sustainable na pamumuhay para sa ating komunidad.

21/05/2025

Simpleng ulam, biyaya ng kalikasan🙏

Address

Brgy. Abo
Nagcarlan
4002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hapi Harvest Farm posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category