27/04/2026
Last week, April 23, 2026 bumisita ang Agricultural Training Institute o ATI sa ECLOF Agri Center upang isagawa ang kanilang hands-on training patungkol sa "Training on Operation, Safety, and Maintenance of Rice Machineries".
Ang training na ito ay dinaluhan ng 30 na farm leaders at machine operators sa bayan ng Narra. Sa pangunguna ng ATI-MIMAROPA at WPU-CET, katuwang ang EAC, sa pangunguna ni Mr. Alvin Carpentero, kasama ang machine operators na sina Ariel P. Valencia (Harvester Operator) at Efren P. Valencia (Tractor Operator), naging matagumpay ang aktibidad na iginawa sa farm at sa pagtutulungan ng bawat isa. Bilang pasasalamat, ginawaran ng ATI-MIMAROPA ang ECLOF Agri Center ng Certificate of Appreciation.
Sa pamamagitan ng mga ganitong initiatives, patuloy na napapalakas ang kakayahan ng ating mga magsasaka at operator tungo sa mas efficient, ligtas, at produktibong pagsasaka, na siya ring layon ng EAC.