01/05/2024
Mahigit 20+ years na kami sa aming munting negosyo. Hindi namin sukat akalain ang mga lahat ng naninira at nagkakalat ng hindi magaganda patungkol sa amin dito sa social media.
Madami na din kaming naging trabahante, umaalis at minsan bumabalik pa ang ilan.
• Hindi kami nagppasweldo ng delay, minsan pa nga nagbibigay kami ng pa sobra kung may occasion at overtime nila.
• Hindi namin sila ginugutom, may mga take-out pa sila pag may sobra sa benta or may ocassion sa amin.
• Sa oras ng trabaho may nakalaan na oras ng pagkain (alternate sila sana kaso ang ginagawa ay nagsasabay kumain nagkwekwentuhan at nagtuturuan sino ang magseserve sa customer)
• Hindi kami nagdidiscriminate ng relihiyon or estado ng tao, dahil may respeto kami sa paniniwala nila.
• Wala kaming pinapaalis na trabahante maliban nalang kung MAGNAKAW, WALANG RESPETO at BASTOS. (Kusa lang sila aalis kung guilty na sila sa nagawa nila)
At sa mga kakumpentensya namin dyaan. Hindi nakakaangat sa buhay ang manira at manapak ng buhay ng tao. Lalo na yung nagkakalat ng maling impormasyon dahil hindi kayo ang nakakapasok sa amin. Lahat tayo gustong umasenso sa buhay pero hindi sa paninirang paraan.
Maraming salamat pa din sa mga sumusuporta at tumatangkilik sa amin.
🍃🌱