01/06/2026
🌸 MAY APPRECIATION POST 🌸
nGayong natapos natin ang buwan ng Mayo, nais po naming magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa aming maliit na negosyo. ❤️
Maraming salamat sa lahat ng nag-order, nag-repeat order, nag-recommend sa amin sa inyong pamilya at mga kaibigan, at sa lahat ng naglaan ng oras para tikman ang aming mga produkto.
Ang bawat order, malaki man o maliit, ay malaking tulong at inspirasyon sa amin upang mas pagbutihin pa ang aming serbisyo.
Higit sa lahat, taos-puso kaming nagpapasalamat sa Diyos sa walang sawang gabay, biyaya, lakas, at mga customer na ipinadala Niya sa amin. Tunay ngang tapat ang Panginoon sa Kanyang mga pangako at hindi Niya kami pinapabayaan sa bawat araw.🙏
Sa lahat ng aming walk-in customers, online buyers, repeat customers, at mga bagong customers — maraming maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta. Kayo po ang dahilan kung bakit patuloy kaming nagsisikap at lumalaban.
✨ To God be all the glory! ✨
Maraming salamat, May 2026! ❤️ Welcome, June! Mas marami pang biyaya, mas maraming masasayang customers, at mas maraming dahilan para magpasalamat.
💖 "Give thanks to the Lord, for He is good; His love endures forever." – Psalm 107:1 💖