21/05/2026
Daan po muna kayo sa Noodle House Olongapo bago sumakay for your cravings 🫶🥰
Sa Victory Liner, mahalaga sa amin ang kaligtasan at maayos na biyahe ng bawat pasahero at crew. ❤️
Nauunawaan at nirerespeto po namin ang paghahanapbuhay ng ating mga vendor. Gayunpaman, para sa seguridad at kaayusan, ipinapatupad po natin na ang loob ng bus ay para lamang sa mga pasahero at awtorisadong crew.
Maari pa rin pong magbenta sa labas o sa may pintuan ng bus basta’t hindi nakahahadlang sa operasyon at seguridad.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon. 🤝