28/04/2026
Praising You still in this season, JESUS! 🙌🏻
Closing the 1st chapter of Sa Masarap the same way we started. Sharing food in the streets, where our heart truly belongs. 💜
Maraming maraming salamat, mga ka-Sa Masarap! Thank you for your love, support, and for being part of our journey. Hindi namin makakalimutan ang bawat ngiti, kwento, at sandaling nakasama namin kayo, lalo na ang mga aral na natutunan namin sa pagnenegosyo at pakikipagkapwa-tao. 💙
Sa aming mga kamag-anak, kaibigan, ka-church, at mga kakilala, sobrang THANK YOU! Mahal namin kayo sobra, sobra! 💚
To our countless customers & clients, food vloggers, at sa Gud Morning Kapatid of TV5, maraming maraming salamat po sa inyong lahat! We appreciate you so much! 💛
Tatlong taon na umulan at umaraw, ilang beses binaha, napagod, nasubok, at dumaan sa mga hindi maipaliwanag na challenges, but still, THANK YOU, LORD! 🙌🏻 Grabe, yung mga panalong ibinigay Mo na hindi kayang tumbasan ng kahit anong pera! 💯
Mga ka-SA MASARAP, hanggang sa muli nating pagluluto! 🍳🔥🍽️
In God’s perfect time, kitakits ulit sa aming bagong tahanan! 🙏🏻🙌🏻
SA MASARAP, palagi at mananatili kang kasagutan sa aming panalangin. Isa kang napakalaking pagpapala sa aming pamilya! 💗
Hanggang sa muli, thank you, our SA MASARAP! 🖤
Mahal na mahal namin kayo, mga ka-Sa Masarap! 🫶🏻