02/02/2026
📢 IMPORTANT ANNOUNCEMENT: Sisig Orders & Reservations 📢
Para sa aming mga minamahal na customers, Una sa lahat, nais naming magpasalamat sa inyong patuloy na pagtangkilik sa aming sisig! Dahil sa dumaraming orders at para masiguro na best quality at laging bagong luto ang matitikman ninyo, nais po naming ipaalala ang aming order guidelines:
For Bulk Orders (Individual Servings):
Dahil po sa mabusising paghahanda at pagluluto ng ating sisig, kami ay may limited stocks lamang araw-araw. Para po masiguro na ma-serve namin ang inyong malalaking orders, pinapayo po namin ang Advance Order. Mahirap po kasing madaliin ang sarap😁
For Party Trays:
Ang ating Party Trays ay exclusively for PRE-ORDER ONLY.. Mangyaring mag-place ng order at least 2 to 3 days bago ang inyong event. Ito po ay para mabigyan kami ng sapat na oras na mapaghandaan ang party tray para sa inyong special occasions.
Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at kooperasyon upang maiwasan ang anumang abala at para hindi kayo maubusan. Naniniwala po kami na ang pagkaing masarap ay pinaglalaanan ng tamang oras at pagmamahal💛
📍 Location: Brgy. Kabulusan, Pakil, Laguna
📌 Landmark: Malapit sa Pakil Cockpit Arena
📞 Para sa orders at inquiries, tumawag o mag-text sa:
09923319068 / 09669407985
O maaari rin kaming i-message dito sa aming page. 📩
Maraming salamat po at excited kaming pagsilbihan kayo ulit!