20/09/2026
Dapat naman talaga kasi paghirapan yun. At pondo ng bayan ung hahawakan mo.
Civil Service Eligibility, iminungkahi ni Ombudsman Remulla na dapat requirements sa mga tatakbong Punong Barangay.
“Tingin ko diyan, kasi first line of service ’yan [barangay captain], dapat diyan Civil Service eligible. Para naman maayos. Sana. Di bale ’yung Sanggunian eh. ’Yung Sanggunian, puwede ka maglagay ng iba eh,” pahayag ng Ombudsman.
Kasabay nito, inilutang din ni Remulla ang kanyang pagkabahala sa pondo ng mga barangay matapos niyang ihayag na maging ang mga barangay official at Sangguniang Kabataan (SK) members ay may access na rin sa pork barrel funds.
"We have to rethink the barangay system. We have to start leveling up para ang frontline services ng gobyerno mas matibay," giit pa ni Remulla.