15/10/2025
Kabilang ang R and A Medical Clinic sa mga Philhealth-accredited Animal Bite Center (ABC) sa buong bansa. Kaya huwag mo na isipin pa ang gastos sa bakuna kapag ikaw ay nakagat, nakalmot o nadilaan sa sugat ng hayop na posibleng may rabies. Kung PhilHealth member ka, sagot ka na ng ABT Package nila!
Ang mga pasyenteng kabilang sa CATEGORY III EXPOSURE LANG ang makakapag-avail ng serbisyong ito nang LIBRE. Nakapaloob sa Category III Exposure ang mga sumusunod:
• Kagat o kalmot ng hayop na may pagdurugo;
• Nadilaan ng hayop ang broken skin (sugat);
• Kagat ng hayop sa ulo, mukha, ge****ls, o parte ng katawan na may high nerve density;
• Exposure sa paniki o unggoy;
• Immunocompromised na pasyente; at
• Miyembro ng PhilHealth, indigent o registered PRPWD.
Upang ma-avail ang libreng serbisyo, KAILANGAN TAPUSIN ANG 7-ARAW NA GAMUTAN SA R AND A MEDICAL CLINIC. Saklaw ng ATBP ang first to third dose ng anti-rabies vaccine, rabies immune globulin kung kinakailangan, paglilinis ng sugat, tetanus toxoid, anti-tetanus serum, antibiotics at iba pang mga gamot.
Huwag ipagpaliban ang kaligtasan, agad pumunta sa R and A Medical Clinic para sa paunang lunas at bakuna. Ang Clinic ay bukas mula 8:00am hanggang 5:00pm, Lunes hanggang Linggo.
Kung may katanungan, maaring mag-iwan ng mensahe sa official page na ito, tumawag sa 044-958-9365 / 0968-855-2125 o bumisita sa Clinic na matatagpuan sa Ilang-ilang 1 St., San Francisco, San Antonio, Nueva Ecija.