09/10/2026
MGA NEGOSYANTE, RAMDAM NA RAMDAM ANG TUMAL KAHIT BER MONTHS NA💔
Kaya kung may kakilala kayong negosyante na mukhang okay pa rin, huwag agad isipin na sagana sila. Baka pinipilit lang nilang manatiling bukas.
May mga negosyong dati ay malakas, pero ngayon survival mode na. Kaya hindi natin kailangang magkunwari na madali ang panahon ngayon. Tumaas pa lalo lahat ng bilihin.
Sa likod ng bawat bukas na negosyo, may owner na nag-aalala kung sapat ba ang sales para makabayad sa lahat. Sa tao, renta, electric bill, water bill, wifi, personal bills, other expenses, etc.
Pero laban lang. Mag-adjust. Magtipid. Mag-isip ng bagong paraan. Dahil ang negosyo, hindi lang tungkol sa kita…minsan, tungkol din ito sa tibay at kakayahang mabuhay sa mahirap na panahon. 💪🏻🇵🇭
Sa mga kapwa ko negosyante: kapit lang. Hindi tayo susuko. 🤝🏻 Sana marinig din tayo ng gobyerno, maalalayan at wag na tayong pahirapan. 🙏
(C)