24/01/2026
Talo ka talaga sa maliit na patong 💸🌾
Sa mundo ng negosyo, may kasabihang “talo ka talaga sa maliit na patong.” Sa unang tingin, maaaring isipin ng iba na mas makakaakit ng maraming customer kapag mababa ang tubo. Totoo, maaaring dumami ang benta sa simula, pero kung masyadong maliit ang patong, mabilis mauubos ang kita at mahihirapan kang tustusan ang operasyon ng negosyo mo.😔
Ang gastos sa renta, kuryente, sahod, at iba pang bayarin ay hindi naman bumababa. Sa huli, ikaw pa ang lugi. Hindi sapat na mabenta lang ang produkto mo. Kailangan ding siguraduhin na sapat ang kita para sa paglago ng negosyo at para may reserba sa panahon ng mabagal ang bentahan.
Sa madaling sabi, ang maliit na patong ay parang pagtatanim ng puno na walang sapat na pataba. Hindi ito lalaki at mamumunga nang matagal.
Importante na alamin ang tunay na halaga ng produkto mo kasama ang lahat ng gastos bago magtakda ng presyo. Learn to do Costing. Huwag matakot magdagdag ng patas na patong, basta’t kapalit nito ay kalidad at magandang serbisyo. 🥰👌
Tandaan, mas mahalaga ang pangmatagalang kita kaysa pansamantalang dami ng benta.😇
ctto