06/08/2024
Ay naku
"Problema ng Pagiging Lasinggero"
Ang asawa ko na siguro ang lasinggero sa lahat ng lasinggero. Palagi ko syang pinupuntahan kong saang lugar sya nalalasing dahil hindi na sya nakakauwi. Sa tuwing nalalasahan nya ang serbesa, parang takot na syang maubosan at feeling nya lima ang atay nya sa kakatagay. Minsan, sinabihan nako ng mga magulang ko na iwan ko na sya, pero di ko sya iniwan ng sa kadahilanang baka magbago pa.
Sa puntong eto, napagod na ako ng sobra. Di ko na kaya lahat, maghahanap na ko ng paraan para mabigyang lunas ang pagiging lasinggero nya.
Isang araw, sinundo ko sya sa isang bahay inuman na wala ng pakialam sa ngyayari sa paligid nya. Lasing na lasing. Kinarga ko sya at hinatid sa purinarya. Kinausap ko muna ang embalsamador. Naabutan ng tatlong oras at bigla syang bumangon at nabigla dahil puro patay nakapaligid sa kanya. Kinabahan man pero kinausap nya pa rin ang embalsamador.
"Sir, di pa ako patay. Wag mo kong embalsamahin"
Embalsamador: Tumahimik ka!
Bumalik ka sa higaan mo dahil ikaw na susunod neto.
Nagmamakaawa sya sa emabalsamador na pauwiin na sya dahil buhay pa daw sya.
Dahil dun pinalabas na din dahil sobrang tagaktak na ang pawis sa nerbyos at takot.
Umuwi sya deritso ng bahay at simula non hinding hindi na sya uminom. 😂😂😂😂
May solusyon na mga Ka Nanay! 😂🤣😅