12/06/2026
๐ Congratulations sa Kauna-unahang Scholar ng Lebs Pizzeria! ๐
Isa kang patunay na hindi hadlang ang pagtatrabaho para maabot ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Sa kabila ng mga hirap, pagsubok sa buhay, at mga hamon ng pamilya, pinili mong magsikap, magtiyaga, at huwag sumuko.
Isa ka sa mga haligi ng Lebs Pizzeria mula pa noong simula, at lubos kaming nagpapasalamat sa iyong sipag, dedikasyon, at malasakit sa aming negosyo. Malaki ang naging bahagi mo sa paglago ng Lebs Pizzeria, kaya naman espesyal sa amin ang tagumpay mong ito.
Nawaโy maging inspirasyon ka sa ibang kabataan na nangangarap makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagiging working student. Ipakita mo sa kanila na sa kabila ng hirap at pagsubok sa buhay o sa pamilya, may pag-asa at may magandang bunga ang tiyaga, determinasyon, at tiwala sa sarili.
Congratulations! We are so proud of you, and we will always be cheering for your success. ๐๐โค๏ธ
๐โจ๐๐โค๏ธ