26/03/2026
Dahil Sa Inyo, Nakakapagpatuloy Kami
May isang customer kami na sobrang tumatak sa puso namin. He said, “Hindi ba kayo malulugi niyan? 5 pesos lang tinaas niyo? Kahit gawing 100 or 120 pa yan, bibili pa rin ako.”
Sobrang na-touch kami doon.
Sa totoo lang, halos lahat ng bilihin ngayon nagtaasan na—gas, ingredients, lahat. Pero may dahilan kung bakit 5 pesos lang lagi ang tinaas namin. Kasi we genuinely care about our customers. Hindi lang ang kumita ang iniisip namin, kundi kayo—yung patuloy na pagtitiwala at suporta niyo sa amin.
At kahit tumaas man ang price, sinisigurado namin na sulit pa rin ang bawat order—na yung quality, serving, at satisfaction, hindi nagbabago.
Kahit konting kita lang, okay na sa amin. Mas mahalaga sa amin na napapasaya namin kayo, nasasatisfy namin ang cravings ninyo at nananatiling affordable ang products namin para sa lahat. Kasi kung wala kayo, wala rin kami.
Maraming maraming salamat po sa patuloy ninyong support at tiwala. We promise na patuloy naming ibibigay ang best namin sa bawat serving. 🤍