03/10/2024
"Huuoy! Huwag mong kainin yung sunog! Magkaka-cancer ka!"
Ito ay isang..... MYTH!
But wait, ito rin ay...FACT!
𝗠𝗬𝗧𝗛 para sa mga pagkaing mayaman sa carbohydrate!
Ayon sa pag-aaral ang mga sunog na parte ng tinapay, patatas, at iba pang carbohydrates ay nagkakaroon ng isang kemikal na tinatawag na 𝘈𝘤𝘳𝘺𝘭𝘢𝘮𝘪𝘥𝘦 sa tuwing niluluto sa mataas na temperatura. Ang Acrylamide ay isang carcinogenic substance. Ngunit, ayon sa Cancer Research UK, hindi ito direktang nakakapagpagtaas ng risk ng pagkakaroon ng cancer. Ayon din sa pag-aaral nila Başaran et al. (2023), limitado pa rin ang ebidensya na direktang nakaugnay ang pagkakaroon ng cancer sa pagkain ng mga pagkaing taglay ang Acrylamide.
𝗙𝗔𝗖𝗧 para sa mga pagkaing mataas sa Protina!
Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang mga pagkaing inihaw o sunog ay naglalaman ng mga kemikal na tinatawag na 𝘩𝘦𝘵𝘦𝘳𝘰𝘤𝘺𝘤𝘭𝘪𝘤 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘦𝘴 (𝘏𝘊𝘈𝘴) 𝘢𝘵 𝘱𝘰𝘭𝘺𝘤𝘺𝘤𝘭𝘪𝘤 𝘢𝘳𝘰𝘮𝘢𝘵𝘪𝘤 𝘩𝘺𝘥𝘳𝘰𝘤𝘢𝘳𝘣𝘰𝘯𝘴 (𝘗𝘈𝘏𝘴) na maaaring magdulot ng cancer sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Ang HCAs ay nabubuo kapag ang mga protein-rich na pagkain tulad ng karne, manok, at isda ay niluluto sa mataas na temperatura.
Ang PAHs naman ay nabubuo kapag ang taba at mga likido mula sa pagkain ay tumutulo sa apoy o uling at nagbubuga ng usok. Ang usok na ito ay naglalaman ng PAHs na nakakapit sa ibabaw ng pagkain.
Ang parehong HCAs at PAHs ay maaaring makaapekto sa DNA ng mga selula at magpataas ng posibilidad na magkaroon ng mutasyon o abnormalidad na maaaring humantong sa cancer.
Ang ilang mga uri ng cancer na nauugnay sa pagkain ng mga pagkaing inihaw o sunog ay ang cancer sa bituka, tiyan, lalamunan, suso, balat, at baga. Ang panganib ay mas mataas kung ang pagkain ay sobrang sunog o nasusunog.