26/04/2022
sa mundong liberated na, madami na ang nagsasabing...
"okay lang yan, s*x lang yan."
"ang old fashioned mo naman."
"uso na yan ngayon."
"mahal naman kita."
"pakakasalan naman kita."
lahat, bibigyan nang mga rason masunod lang ang pita nang laman!
kanino ka ba dapat maniwala? sa sinasabi lang ng tao? sa sinasabi lang ng jowa mo? o sa sinasabi nang salita ng Diyos?
"Do not be conformed to this world but be transformed by the renewing of your mind, so that you may discern what is the will of God— what is good and acceptable and perfect." Romans 12:2
Hindi mo pag-aari ang katawan mo kundi nang Panginoon. gamitin mo ang katawan mo sa pagpupuri at paglilingkod sa Diyos at hindi sa malalaswang bagay!
"you are not your own; you were bought at a price. therefore HONOR God with your BODIES."
1 Corinthians 6:19-20
dahil sa pakikipag-s*x nang hindi pa kasal;
maraming kabataan ang nasira ang kinabukasan, maagang nag-asawa dahil nabuntis o nakabuntis, ang iba ay nagpa-abortion, hindi nakapagtapos ng pag-aaral, may mga nakiapid, sumbatan dahil hindi ang asawa ang nakauna at higit sa lahat nalayo sa Diyos!
kaya mag-ingat ka dahil ang bunga nito ay kapahamakan!
maliban na lang sa isang taong biktima ng s*xually abuse.
"Marriage should be honored by all, and the marriage bed kept PURE, for God will judge the adulterer and all the s*xually immoral."
-Hebrews 13:4
Ang S*X ay hindi kasalanan. gift ito sa mag-asawa, ngayon kung ginagawa ito nang hindi pa mag-asawa ito ay isang hindi kalugod-lugod sa Diyos!
ang sarap e-reserve ang purity para sa magiging asawa mo lang at na-honor mo din si Lord. isa itong karangalan na maipagmamalaki mo sayong sarili, sa magiging asawa mo at higit sa lahat sa Diyos.
ngayon, kung nagawa mo na ito. hindi pa huli ang lahat! hinto na! itama ang mali.
walang condemnation, grabe ang grace ni Lord.
kaya ka niyang patawarin at walang bahid na ulit nang kadumihan. ang halaga mo ay nasa Diyos.
woman, protect your purity.
man, lead your woman to God not to sin.
please,
para po sa lahat. save s*x for marriage! ♥️