30/05/2026
🌟 HULING ARAW NA NG GOGO PATEROS NIGHT MARKET! 🌟
Hindi pa ba kayo nakakapunta? Ngayon na ang pagkakataon para maranasan ang masayang gabi ng kainan, kwentuhan, at pagsasama-sama ng buong pamilya at magkakaibigan dito sa ating GoGo Pateros Night Market!
🍔 Masasarap na pagkain 🧋 Nakaka-refresh na mga inumin 🛍️ Iba't ibang local merchants at produkto 🎶 Masayang ambiance para sa lahat
Ngayong gabi na ang huling araw ng ating night market na matatagpuan sa gilid ng ating Pamahalaang Bayan ng Pateros. Sama-sama nating suportahan ang ating mga lokal na negosyo at sulitin ang huling gabi ng ating paboritong summer gathering!
📍 Pamahalaang Bayan ng Pateros
📅 Ngayon na ang huling araw! (May 30, 2026)
⏰ Tara na at magkita-kita tayo mamayang gabi!
Isama ang inyong pamilya, barkada, at mga mahal sa buhay. Huwag palampasin ang huling gabi ng saya, pagkain, at pagkakaisa sa GoGo Pateros Night Market!
Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos