18/08/2026
Hindi mahalaga kung gaano karami o kasarap ang nasa mesa. Ang tunay na mahalaga ay kung sino ang kasama mong nakapaligid dito.
Dahil ang pagkain, nauubos.
Ang mesa, lilinisin.
Pero ang oras na pinagsaluhan, tawanan, kwentuhan, at pagmamahalan nagiging alaala na dala natin habang buhay.
Minsan, hindi natin namamalayan na ang simpleng sabay-sabay na pagkain ay isa pala sa mga sandaling hindi na natin maibabalik.
Kaya habang may pagkakataon, maglaan tayo ng oras para magsalo-salo.
Dahil balang araw, hindi natin maaalala kung ano ang nasa plato,ang maaalala natin ay kung sino ang kasama natin sa mesa