07/12/2023
Ikalawang Zona ng mga Hapónes sa Pateros (1944)
Sa ika-2 ng Disyembre, 1944 sa administrasyon ni Mayor Melchor Menguito ay isinailalim sa ikalawang zona ang Pateros, na isinalarawang mas masahol pa sa nauna. Bukod sa mga pinahirapan hanggang kamatayan sa paligid ng Simbahan, 53 ang dinala sa Fort Santiago para pahirapan kasama ang iba pang mga taga Maynila at tanging tatlo dito ay nakatakas sa kanilang kamatayan. Sila ay sina Tiburcio "Basiong" Quiogue at ang magkapatid na Benjamin at Nestor Luna.
Si Basiong Quiogue ay pinakawalan ng Hapóng opisyal na kapwa nya masón (freemason). Samantalang ang magkapatid na Benjamin at Nestor ay nailigtas ng kanilang Ate na si Aurora na nagta-trabaho bilang sekretarya sa Japanese advisers ng Provincial Governor sa Rizal Provincial Capitol sa Pasig.
Sanggunian:
Nocheseda, E. I. "Pateros Blues". Pateros. R.O Santos Enterprises & Co. 2010, p.200
× × × × ×
Gusto mo pang malaman ang kasaysayan ng ating bayan;
👍 I-like at i-follow ang Pateros in History Project at Ako'y Taga Pateros sa mga social media accounts nito
🤙 Kung may gusto kang ibahagi o may katanungan, usap tayo sa [email protected]