06/06/2026
|| Ang bawat Meat Transport Vehicle (MTV) na ginagamit sa pagbiyahe ng karne at mga produktong karne na pumasa sa masusing inspeksyon at rehistrado ng National Meat Inspection Service (NMIS) ay may katiyakan na sumusunod sa itinakdang pamantayan para sa ligtas, malinis, at maayos na transportasyon ng karne. Sa pamamagitan ng mahigpit na pagsusuri sa kalinisan ng sasakyan, tamang pagkontrol ng temperatura, wastong sanitary handling practices, at pagsunod sa mga food safety standards, tinitiyak ng NMIS na ang mga produktong karne ay naihahatid sa mga pamilihan at mamamayan nang ligtas, sariwa, at may mataas na kalidad. Ayon sa umiiral na regulasyon, tanging mga akreditado at rehistradong Meat Transport Vehicle lamang ang pinahihintulutang maghatid ng karne at mga produktong karne upang mapanatili ang kaligtasan at kalidad ng pagkain mula sa pinanggalingan hanggang sa mamimili.
Para sa detalye ng mga requirements, proseso ng aplikasyon, at iba pang impormasyon ukol sa pagpaparehistro ng Meat Transport Vehicle (MTV), maaaring bisitahin ang opisyal na website ng NMIS sa www.nmis.gov.ph o sa malapit na NMIS Regional Offices.