18/09/2026
Minsan, sa haba ng paghihintay at sa dami ng mga silent nights na para bang walang sagot, sumasagi sa isip natin ang katagang:
"Sana hindi ako nakalimutan ng Panginoon."
"Ang tagal konang pinagpe-pray to, wala parin"
"Bakit pag sa iba parang ang bilis, sa akin ang tagal"
"Buti pa sila..."
Isaias 49:15-16, kahit makalimot ang isang ina sa kanyang anak, hindi tayo makakalimutan ng Diyos. Nakaukit ang ating pangalan sa Kanyang mga palad.
My dear neighbors, listen,
hindi nakabase sa bilis ng iba ang timing ng Lord!
Ang delayed sa tingin natin ay hindi ibig sabihin na nakalimutan na tayo ng Lord.
Tuwing nananalangin tayo, naririnig Niya yun.
Walang panalangin na natatapon o nawawala.
Inaayos lang ng Lord ang tamang panahon para sa Kanyang pinakamagandang regalo sa atin.
Hindi ka nakalimutan. Hindi tayo nakalimutan.
Godbless Neighbors!
You may follow our page for more encouraging posts like this. Let's fill our feeds with the goodness and grace of the Lord!