25/10/2025
Ngayon lang kami mapopost ng Rider dito sa page dahil sa inis. Sana mabasa mo to Grab Rider Eric Leo Sarmiento.
Nag rate saamin ng 1 star yung customer dahil kulang yung dineliver mo sakanyang pagkain. Ang hindi mo pa binigay yung Crispy Ulo. Mabuti tumawag muna saamin si customer at hindi agad nag file ng reimbursement kay Grab.
Sabi mo sa customer, kulang yung binigay sayo ng staff. Kahit kumpleto naman. May CCTV kami para alam mo lang kitang kita simula pagtayo mo sa upuan hanggang sa pagbalot ng item at pag abot sayo. KAYA ALAM MO SA SARILI MONG KUMPLETO YUNG ITEM NA BINIGAY SAYO!!!!! Talagang sinadya mong hindi ibigay sa customer at isisi sa Merchant yung kulang na item.
Tumawag saamin yung customer, to report sa Crispy Ulo na naiwan na sinasabi mo. Kaya alam namen na hindi talaga naiwan sa store. KUMPLETO!
Kumpleto yung pagkain, ang ginawa mo kunyare naiwan. Tapos kunyare binalikan mo sa store. Hinatid mo ulit sa customer, tapos hihingian mo ng tip kasi kamo binalikan mo sa store yung Crispy Ulo?! KAUSAP NAMEN YUNG CUSTOMER HABANG NIRERECEIVE NG ANAK NYA YUNG CRISPY ULO. San ka kumukuha ng hiya, Kuya?!
Kasi Hindi yan gagawin ng matinong Rider.
Tinawagan ka namen after mo idrop yung pagkain para itanong bakit ganun ginawa mo? Ang sagot mo, NAHATID KONA! Tinatanong ka, bakit sinabi mo sa customer na kulang yung binigay sayo ng staff? Sagot mo, wala akong sinabi na naiwan sa store! Binabaan mo kami Kasi mautal utal kana. Tinext ka pero siniseen mo nalang. ALAM MONG MALI KA! Ginawa mo pang sinungaling yung customer na pinag antay mo sa pagkain!
Imbis na nakakain na yung customer, nag antay pa ulit para lang dalhin mo yang Crispy Ulo na dimo agad binigay para sa Diskarte mong Tip!
Kuhang kuha mo yung inis namen ngayong araw!