30/08/2022
Sa pag si-seaman kailangan buo loob mo sa una pa lang, hindi pwede yung urong sulong kung ano ang nasimulan mo wag mo ng sayangin, ituloy tuloy mo hanggang matalisod mo. Hindi pwedeng walang mapatunguhan yan kung aaraw arawin mo ng walang katapusan meron at merong pinto na magbubukas sayo. Basta kapag napagod magpahinga lang tapos balik na ulit sa misyon kapag okay ka na ulit. 🤝 Kasi hindi rin biro ang pera na susunugin mo masustentuhan lang lahat ng dokumento pangalawa hindi rin biro ang mag asikaso ng mga papeles na yan dahil kulang ang isang araw mo para sa isang lakarin lang. At siyempre pagod, gutom, puyat mo ang ibubuhos mo diba kaya itodo mo na tol kasi lahat naman ng yan masusuklian ng bagong pag asa kapag nakasampa ka na tapos sasabihin mo sa sarili mo, thank you kasi kinaya mo! 💯
Salamat na agad sa like and follow ng page;
👇
https://www.facebook.com/Seamans-Diary-112098528063916/