04/08/2023
Sana ay makarating po ito sa marami. Please share po๐
Panahon na upang muli nating buhayin ang pagtangkilik sa sariling atin habang nabibigyan rin ng suporta ang ating mga kababayang mas kinulang-palad๐ ๐ค๐ต๐ญ
Ang mga kababayan nating Aetas ay binubio ng mga katutubong tribong malikhain at masipag ngunit hindi lamang nabibigyan ng sapat na oportunidad. Malungkot isipin subalit sila ay karaniwang mga biktima ng diskriminasyon.
Sa pagtangkilik at pagpapakalat ng kaalaman ukol sa kanilang mga likha at produkto ay hindi lamang natin sila matutulungang maghanap-buhay. Matutulungan din natin silang mapanatili ang kanilang mga tradisyunal na mga pamamaraan sa paglikha at tayo ay makapagbibigay-ambag sa preserbasyon ng ating kultura.
Maraming Salamat po!