02/05/2024
HINDI ITO POVERTY P@ΒΆ[\]
Mahaba kaya bahala ka na..
May mga oras sa buhay natin na nasasabi natin na "Lord, bigyan mo lang ako na pera or ma kaluwag lang ako sa pera, tutulong ako".
Gusto ko sabihin na mali yung dasal o hiling na ito, pero naririnig ka ng nasa Itaas. Kaya bibigyan ka pa din ng opportunity para makuha mo yung dasal mo. Pero hindi sa pamamaraan na gusto mo, kundi sa kagustuhan Niya.
If na susundan mo yung mga post ko, may pinost ako dito about kung saan ako bumibili yung mga Talong na paninda ko. I was not expecting Nanay na mag tinda ngayong mga panahon na ito dahil sa tindi ng init. Pero nag kita kami sa kalsada ng Kamias. Syempre bumili ako ng talong.
Pero naisip ko kung paano niya na tatagalan yung init. May bubong naman daw sya. Pero di ko kaya iwanan nalang si Nanay. Kaya tulak tulak namin itong munting kariton niya.
Babalik ako sa unang parte ng post ko.
*Humiling ka na gusto mo maging malakas at maging matibay sa buhay.
Pero binigyan ka ng problema.. Paano ka magiging malakas kung wala kang lalampasan na problema?
*Humiling ka na makita mo kung paano mahalin o mag mahal. Paano mo mararamdaman kung hindi ka dadaaan sa pagsubok ng puso?
*Humiling ka na makatulong ka sa kapwa pag may pera ka..
Ang sabi Niya, hindi mo kailangan ng pera para ipamalas na matulingin ka.
*Humiling ka ng kaginhawaan sa buhay, pero paano mo aalagaan yung biyaya mo kung hindi alam kung gaano kahalaga ito. Kaya ka ngayon may problema sa pera.
*May mga dasal tyo na may sagot na, nasa harapan na natin.
Nasa interpretation na lang natin ang mga bagay at mga kaganapan sa buhay natin.
HINDI YAN BINIGAY SAYO KASI HINDI MO KAYA.
BINIGYAN KA NYAN KASI ALAM NIYA MAS MATUTUTO KA.
LABAN LANG, DAHIL ANG HIRAP NASA ISIPAN LANG, MAS MATIBAY KA DIYAN, IDASAL MO TSONG, MAKIKINIG SIYA.