09/10/2025
Kayang-kaya gumawa ng masarap na curry mapa manok, baka, gulay o ano pa man gamit ang HAPIMI Curry Mix! Aling sangkap man gagamitin, ang mararating!
Ingredients:
1 kg - Chicken, Rough Cut
1 pc - Red Bell Pepper, Rough Cut
1 pc - Green Bell Pepper, Rough Cut
1 pc - White Onion, Rough Cut
1 pc - Carrot, Rough Cut
1 pc - Potato, Rough Cut
1 packet (65g) - HAPIMI Curry Mix (65g)
1 cup - Water/Chicken Stock
1 can - Coconut Milk
Cooking Instructions:
1. Haluin ang sachet ng HAPIMI Curry Mix sa isang tasa ng tubig ng mabuti.
2. Sa isang kawali, maglagay ng kaunting mantika at painitin ng mabuti. Ilagay ang carrots at patatas, at gisahin hanggang magkaroon ng kulay o sear. Itabi pagkatapos.
3. Pagkatanggal ng gulay, prituhin ang manok at lutuin hanggang magkaroon din ng kulay o sear.
4. Ibalik ang patatas at carrots. Ilagay ang sibuyas at lutuin hanggang lumambot ng konti at lumabas ang amoy.
5. Ibuhos ang HAPIMI Curry Mix. Dagdagan ng tubig hanggang halos matakpan ang ginisa.
6. Haluin paminsan-minsan at lutuin hanggang makuha ang gustong lapot. Patayin ang apoy at ilagay ang coconut milk - optional lang ito pero naglalagay ng kakaibang linamnam sa inyong curry.
7. Sa huli, ilagay ang mga bell peppers. Kung nais mong ilagay ito ng mas maaga, pwede rin.
8. I-plate at I-serve.