Cathy's Chicken BBQ

Cathy's Chicken BBQ OUR VERY OWN FAMILY RECIPE...

CHICKEN FILLET BBQ
CHICKEN / PORK EMBUTIDO

NOW ALSO AVAILABLE ...

Napaka gandang istorya.
16/03/2025

Napaka gandang istorya.

"CUM LAUDE"

Sadyang mahiwaga ang buhay. May mga panahong tila walang katapusan ang pagdating ng suwerte, habang ang iba nama’y hindi matakasan ang sunod-sunod na pagsubok. Ngunit may ilan na, sa kabila ng lahat, ay nagtagumpay—tulad ng bida ng ating kwento, si Rafael.

Ang kanyang inang si Karen na noo'y 21 years old palang, isang magandang singer na may promising na future sa kanyang karera, ay regular na nagpeperform sa Shakey's Pizza Parlor, na nung mga panahong iyon ay lugar na may temang kantahan, inuman at kainan.

Doon ay napukaw niya ang atensyon ng isang pasikat pa lamang noon na Disc Jockey sa radyo na si Vicente, 45 years old, habang kumakain sa nasabing restawran, kasama ng ilan sa kanyang mga kaibigan. Ilang ulit na pumaroon ang grupo nila Vicente ng ilang buwan upang masaksihan ang galing ni Karen sa pagkanta.

Sa kanyang pag hanga ay naging pursigido ang lalaking makagawa ng paraan upang sila ay magka-kilala, hanggang sa umabot sa puntong sila'y nagkamabutihan, Kahit na ang kanilang edad ay malayo ang agwat. Di nag tagal, nagbunga ang kanilang pagsasama at ng 1985 ay pinanganak na si Rafael.

Ngunit isang araw, habang lumilipas ang panahon, unti-unting lumabas ang katotohanan—si Vicente ay may asawa at pamilya na. Labis itong ikinasakit ng loob ni Karen, ngunit hindi siya nagkulang sa pagpapalaki kay Rafael. Bagamat naglaho ang kanilang pag-iibigan, hindi tinalikuran ni Vicente ang kanyang anak. Pinag-aral niya ito sa isang pribadong paaralan at sinuportahan ang kanyang hilig sa musika, na namana mula sa kanilang pamilya.

Subalit, hindi nagtagal ang buhay ni Vicente. Isang araw, natapos ang kanyang laban sa sakit, iniwan ang kanyang mga naulilang pamilya. Sa murang edad na 15, kinailangang matutong kumayod ni Rafael upang matulungan ang kanyang ina. Hindi siya nag-atubiling magtrabaho bilang isang pedicab driver, gasoline boy at kung sino pa ang may gustong magbigay oportunidad sa pursigidong binatilyo, upang matulungan ang kaniyang ina sa pag tataguyod ng kanilang maliit na pamilya. Sa bawat trabahong kanyang pinasok, natutunan niyang makihalubilo sa iba't ibang tao. Dahil na rin sa kanyang likas na pagiging palakaibigan at magalang, marami ang nahumaling sa kanyang kasipagan at magandang pag-uugali..

Isa sa kanyang mga pinapasukan ay pag mamay-ari ni Mr. Jaime Posadas, isang matandang binata na hindi na muling nag-asawa matapos masawi sa aksidente ang kanyang asawa. Napansin niya kay Rafael ang tiyaga, talino, kasipagan at pagiging honesto, na bihira niyang makita sa mga kabataan. Dahil dito, lalong namayagpag ang hanap-buhay ng matanda at sa tuwa nito ay tinuruan niya ito ng mga aral sa negosyo, disiplina, at mga malalalim na diskarte sa buhay. Dahil sa tiwalang nabuo ay sinama niya si Rafael san man siya magpunta, hanggang sa natutunan binata ang mga sikreto ng pag-asenso sa buhay.

Isang araw, dinalhan ni Aling Karen si Rafael ng lutong ulam at kanin na siya nitong tinda. Sakto namang palabas na noon si Mr. Posadas sa opisina upang yayain ang binata na mananghalian sa kanyang paboritong restawran. Dito ipinakilala ni Rafael ang kanyang ina. Sa labis na pagkatuwa, pinakyaw ni Mr. Posadas ang lahat ng dalang ulam ni Aling Karen at niyaya ang kanyang mga empleyado upang mag-salu-salo. Naging masaya ang kanilang tanghalian, at simula noon, naging matalik na magkaibigan sina Mr. Posadas at Aling Karen. Sa araw-araw, nagkatulungan sila—mula sa pagpapadala ng pagkain hanggang sa patuloy na paggabay kay Rafael.

Sa kanyang pagsisikap at sa suporta ng kanyang mentor, nakapagtapos si Rafael ng Business Administration na may na parangal—cum laude. Sa araw ng kanyang pagtatapos, inialay niya ang tagumpay sa kanyang matatag na ina at sa matandang nagbigay sa kanya ng tiwala at pagmamahal na tulad ng isang ama. Marami ang naantig sa kanyang kwento, at habang ang ilan ay lumuluha, tinawag niya si Aling Karen at Mr. Posadas sa entablado upang ialay ang kanyang parangal. Nagpalakpakan ang buong gymnasium habang itinaas niya ang kamay ng dalawang taong pinaka importante sa kanya.

Sa tulong ng kaalaman sa negosyo at diskarte na kanyang natutunan, nagtayo si Rafael ng sarili niyang kumpanya sa suporta na rin ng kanyang itinuring na ama, si Mr. Posadas. Hindi niya nakalimutan ang kanyang ina, na nagsilbing unang inspirasyon niya sa buhay. Pinatayo niya ito ng isang maliit ngunit maaliwalas na tahanan at binigyan ng maginhawang buhay.

Di naglaon, nagkaroon si Rafael ng sariling pamilya at naging isang mabuting asawa at ama. Pinangako niya sa sarili na hindi niya hahayaang maranasan ng kanyang mga anak ang hirap na kanyang pinagdaanan. Sa kanyang sipag at tiyaga, napalago niya ang kanyang negosyo at kinilala bilang isang matagumpay na negosyante sa kanilang lugar.

At sa huli, napatunayan ni Rafael na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang pangarap. Sa pagiging matapat, masipag, at may tamang gabay, nagawa niyang baguhin ang kanyang kapalaran.

Sa kanyang ina, mentor, at sa mga taong naniwala sa kanya, siya ay isang patunay na sa kabila ng lahat ng pagsubok sa buhay, may naghihintay na magandang kinabukasan para sa mga taong hindi sumusuko.

゚viralシfypシ゚viralシalシ

Address

Quezon City

Telephone

+639288498462

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cathy's Chicken BBQ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category