17/02/2025
GrabFood Rider, Niloko sa Order: Pagkain na Lang ang Naging Konsuwelo
Si Yenyen Catiloc, isang GrabFood rider, ay buong araw nang nagde-deliver ng pagkain sa iba't ibang bahagi ng Maynila. Sa gitna ng kanyang abalang araw, tumigil siya sa isang Jollibee branch upang kunin ang isang bagong order. Pagdating niya sa bahay ng customer, laking gulat niya nang malaman na kinansela pala ang order.
Bagama't dismayado, hindi na nagreklamo si Yenyen. Alam niya na may reimbursement mula sa GrabFood para sa mga kinanselang order, ngunit komplikado at matagal ang proseso.
Sa halip na magpakalungkot, umupo si Yenyen malapit sa Jollibee at kinain na lang ang pagkaing dapat ay idedeliver.
Bilang paalala, bago umorder, siguraduhin na hindi kayo magkakansela upang maiwasan ang abala at perwisyo sa mga tulad ni Kuya Yenyen.
Ctto