Mp boundinq,inuman sxesxion Iba pala talaga nagagawa ng alak, ano? Matindi, malupit, swabe ang tirada. Hindi mo namamalayan e may amats ka na pala. Bakit kaya ganon?

Ang tahimik nagagawa nitong maingay, ang mahinhin agad nitong napapabukaka, ang inosente ginagawa nitong makamundo, ang masaya nagagawa nitong palungkutin, ang duwag nagagawa nitong matapang. Sa simpleng inuman marami ang nangyayari. Bukod sa walang humpay na kwentuhan e nariyan ang walang katapusang tawanan, ang walang mintis na landian, at hindi mapigil-pigil na iyakan. Nakakatuwang isipin, na m

insan, alak lang ang kakampi natin. Na alak lang ang kailangan natin para malapasan ang mga problema. Na minsan e alak lang ang tanging magpapabigay sa atin, magpapaalala sa mga masasakit ng nakaraan. Siya lang din ang may kakayahang magpaiyak sa isang matigas na tao. Magulo ang usaping alak. Pero isa lang ang alam ko, sa panahong nauubos natin ang magilan-ngilang bote ay tuwang-tuwa tayo. Pero ang katotohanan, hindi tayo ang gumagamit sa alak, siya ang gumagamit sa atin. Sa oras at panahon— hanggang sa pinakatatago-tagong emosyon, lahat kaya niyang paikutin sa kanyang mumunting tansan. Wala talagang imposible sa alak.

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mp posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category