14/10/2025
Juan 14:25-26
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
25 “Sinasabi ko ang mga bagay na ito habang kasama nʼyo pa ako. 26 Pero kapag nakaalis na ako, ang Tagatulong na walang iba kundi ang Banal na Espiritu ang ipapadala ng Ama bilang kapalit ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala sa inyo ng lahat ng mga sinabi ko sa inyo.
🎤Hindi natin kayang ibigay sa ating mga mahal sa buhay ang dagdag na pasensya o mas mabuting kalusugan. Wala rin tayong kakayahang ibigay ang kapayapaang lubos nilang kinakailangan sa panahong humaharap sila sa pagsubok ng buhay. Pero maaari tayong gabayan ng Banal na Espiritu na ipakilala si Jesus sa kanila—ang nagbibigay at mismong simbolo ng tunay at walang hanggang kapayapaan.
📣Paano mo nararanasan ang kapayapaang ibinibigay ni Cristo sa iyong buhay?
Sobrang saya ko nang makahanap ako ng perpektong regalo para sa biyenan ko. May birthstone pa itong tugma sa kanyang kapanganakan! Nakakataba ng puso kapag nakakita ka ng angkop na regalo para sa i…