06/09/2026
Mga ngiting hindi mawari,
Kung Totoo man ito o hindi.
Ito ba'y dapat bang itangi?
Sa taong sadyang mapagkunwari?
O dahil sa nagpagamit sa papel na may litratong nakangiti?
Ginagalawang mundo,
Napakaraming manloloko
Ito ba'y dahil sa iba't ibang anggulo?
Na sa paligid ay puno na ng.. Nanggugulo?
Sadyang mahirap ang buhay,
Pero huwag sanang magpasilaw,
Sa NGITING puno ng kasakiman
Dahil ito ay panlabas lang, Ngiting ubod ng kasinungalingan at KASAMAAN!
😔😔😔