21/01/2026
SA AMING MGA MINAMAHAL NA CUSTOMER KANSELADO PADIN PO ANG BYAHENG PANDAGAT,UPDATE NALANG PO NAMIN KAYO PAG MAY BYAHE NA PO.MARAMING SALAMAT AT MAG INGAT PO TAYONG LAHAT♥️🙏
📣 ANUNSYO📣
Alinsunod sa Weather Forecast na inilabas ng DOST–PAGASA (Gale Warning No. 03) alas-5:00 ng umaga ngayong Enero 21, 2026, inaasahan o kasalukuyang nararanasan ang malakas hanggang napakalakas na hangin na dulot ng Northeast Monsoon (Amihan) na makaaapekto sa hilaga at silangang baybayin ng Polillo Islands, partikular sa hilagang baybayin ng Panukulan, hilagang-silanganing baybayin ng Burdeos, hilagang baybayin ng Patnanungan, at silangang baybayin ng Jomalig, lalawigan ng Quezon.
Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang lahat ng biyahe ng mga sasakyang-dagat at maliliit na bangka na may 250 Gross Tonnage pababa na bumibiyahe sa mga nabanggit na lugar sa Hilagang Quezon.
Ang mga biyahe ay maaaring ipagpatuloy anumang oras kapag pinahintulutan na ng lagay ng panahon at ng dagat at kapag may pahayag na mula sa DOST–PAGASA.
Mangyaring maging gabay ang HFCG Memorandum Circular Blg. 03-01, may petsang 02 Pebrero 2001, hinggil sa Guidelines on Movements of Motorboats/Vessels in the Absence of Weather Bulletin in the Locality.
Maraming salamat at mangyaring mag-ingat ang lahat.
゚viralシfypシ゚viralシalシfollowers