04/05/2024
Benepisyo Ng Miracle Fruit: Anu-Ano Nga Ba? π€π€π€
1. Para sa cancer patients
Nakikinabang ang mga cancer patients na sumasailalim sa chemotherapy sa miracle fruit dahil nawawala ang panlasa nila sa gamot na ginagamit upang lunasan ang kanilang kondisyon.
2. Para sa diabetic na pasyente at mga taong nais magbawas ng timbang
Nakita rin ng ilang mananaliksik ang potensyal na gamit ng miracle fruit bilang medical application upang pigilin ang obesity epidemic. Alam natin na isa sa mga sanhi ng obesity ay ang pagkonsumo ng maraming mga matatamis na pagkain. Upang tugunan ang problemang ito, ang miracle fruit ay maaaring gamitin bilang pamalit para sa artificial sweeteners dahil sa pagkakaroon nito ng low-calorie properties. Nakatutulong din ito sa insulin resistance ng mga may diabetes dahil nakapagbibigay ito ng tsansa sa kanila na kumain o kumonsumo ng matamis na pagkain.
3. Para sa sumasailalim sa chemotherapy
Sa kabilang banda, ang antioxidant property ng miracle fruit ay may benepisyo sa mga gumagamit ng chemotherapeutic drugs. Ito ay nakatutulong upang mapabuti ang epekto ng gamot at nakapagbabawas rin ng side effects ng gamot sa mga pasyente. Kabilang dito ang pagkahilo, pagsusuka, at pagkakaroon ng abdominal o pelvic tumors, at mutagenesis.